Anong Kinalaman ni Bongbong Marcos sa Award?

Dear Mayor Herbert Bautista and Vice Mayor Joy Belmonte,

Puwede po pakiexplain nito?

 

So anong kinalaman sa Seal of Good Governance award kay Bongbong Marcos? Noong nanunungkulan ba siya maganda ba ang pamamalakad niya? Ilang batas ba ang ginawa niya? Inamin na ba ng pamilya nila na pinagnakawan nila tayo? Mga bossing, hanggang ngayon binabayaran pa natin ang kinurakot ng pamilya niya, in case nakalimutan niyo na. So to have him as your guest for the awarding of Barangay Seal of Good Housekeeping is an insult to Filipino people.

At ang guest speaker niyo di ba kasama sa Napoles list?

So paano siya magiging karapatdapat maging Guest Speaker sa isang event na may kinalaman sa good governance?

Alam ko nabibilang na kayo sa isang partido nila Imee Marcos.

Pero ibagay niyo naman ang guest of honor niyo sa event na meron kayo. Nakakahiya naman sa mga taong na biktima noong panahon ng Martial Law di ba? At nakakahiya naman sa mga Pilipino na hanggang ngayon nagbabayad pa din ng kinurakot ng mga Marcos.

Konting consideration naman.

 

Yamot sa mga Revisionist,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *