Ano po kamo, Atty. Panelo?

Dear Atty. Panelo,

Nakakatawa naman po itong statement niyo ha.

You are reminding us sa right ni Superintendent Marcos? OK ka lang po?  Ngayon umaangal kayo sa due process at presume innocent until proven guilty, pero sa mga biktima ng tokhang hindi niyo iniapply yan.

Dapat ang batas applicable sa lahat. Mayaman man o mahirap, pulis man o basurero, member man na LGBT o hindi, dapat lahat sila ay may karapatan na magamit ang batas na yan.

Ngayong ang bata ni Poong Duterte ang nasa hot seat lahat kayo nakadepensa at ginagamit niyo ang binalahura niyong batas?

Tapos gusto niyo pang maalis ang CHR. Para ano?  Para wala nang sagabal sa Tokhang niyo?  Please lang, wag kami. Niloloko niyo naman ang mga Pilipino.

Oo nga pala, you need a fashion consultant badly. Tingnan mo ang suot mo nung SONA.

Luh sya, nilagyan ng patches ang amerikana.

Tapos eto pa,

Para na kayong pecock po oh.

As a government official dapat po proper naman po attire niyo.  Wala naman po sa rules na kailangan ang pananamit ay ibagay sa pagmumukha. Be presentable naman po.

Hindi fan ni Mang Kepweng,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *