Ano Nga Ba ang Totoo sa Temporary Closure ng Boracay?

Dear President Duterte,

Bilib na sana ako sa ginagawang pagbibigay importansya sa kalikasan ni Secretary Wanda sa Boracay, pero parang may mali sa ginagawa ng pamahalaan ngayon.

Yes, kailangan ibalik ang kagandahan ng Boracay, pero bakit ganun katagal? Meron po ba kayong inihain na alternative livelihood sa mga taong mawawalan ng trabaho?

At saka totoo po bang nakipag meet kayo sa isang negosyante from Macau para magtayo ng Casino doon?

December ang meeting. Then January biglang nag ingay, then ang bilis ng mga pangyayari, closure for one year agad? Ni hindi niyo man lang inihanda ang mga tao doon.

Sana nga lang, ang closure na to ay hindi ginawa para lang makapasok ang hotel casino na yan. Kasi pag totoo, mananagot kayo sa mga taong nawalan ng hanapbuhay, sa mga batang hindi makakapag aral at sa mga taong magugutom dahil ang kanilang kinabubuhay ay pinaclose niyo na.

Bakit hindi regulation ang gawin? Strict implimentation sana sa mga enviromental regulation. Hindi ka ba naaawa sa kanila?

Sana minsan isipin mo naman ang ang  mga mahihirap. Wag puro drug lord, pork barrel queen o di kaya mga corrupt lang ang binibigyan mo ng importansya. Sobra na kayo eh.

Nagngingitngit na,

PAB

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *