Ano Nga Ba Ang Offshore Account?

Dear KaPAB,

Hindi ko alam kung nabalitaan niyo dati Ang “Panama Papers”. Nabasa ko ito dati sa report ng PCIJ.

Sabi sa report, walang batas sa bansa na nagbabawal sa offshore account, pero puwede itong magamit para hindi magbayad ng tax or pagtagaun ng mga unexplained wealth at mga pera galing sa mga illegal na bagay.

Maraming mga pangalan at kompanya na nabanggit sa “Panama Papers”. Eto ang mga taong may offshore account.

Nandiyan si Imee Marcos, Manny Villar at marami pang iba.

Pero when I read the report, what caught my attention is the opposite statement of previous BIR chief Kim Henares and DOF Secretary of Finance Dominguez.

Sabi ni Kim Henares, bakit mo itatago ang pera mo sa offshore?

  “Ibig sabihin, hindi mo siya maipasok mainly sa pangalan mo kasi hindi mo ma-explain saan nanggaling ‘yung incomesaan galing ‘yung pera. ‘Yun lang naman ‘yung tinatanong d’yan, pero itself, wala namang problema.

Kabaliktaran naman sa pahayag ni Secretary Dominguez.

Para sa kanya walang masama kung magtago ng pera abroad daw.

Magkaiba ang opinion nila, bakit kaya? As I continue to read the report I found out this.

Kasama pala siya sa listahan ng may offshore account before. Siya pala ang director ng Radstock Corp na kasama sa list ng mga company na may offshore account.

Minsang mamamamgha ka sa pagkakaiba ng opinion base sa participation nila sa narrative.

Ang mga may pera minsan hindi na iniisip kung ethical ba o hindi ang isang bagay. Minsan hindi iniisip kung paano maapektuhan ang ekonomiya at taong bayan sa mga panukala.

Gaya nito, dumadaing na sa hirap ang taong bayan, pinipilit pa din ipalunok ang TRAIN 2.

Hay naku, kawawang Pinas.

Yamot sa mga Hunyango,

PAB

Source:

http://pcij.org/stories/no-ph-law-vs-offshore-accounts-issue-splits-finance-execs-then-now/

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *