Dear KaPAB,
Sa panunungkulan ni Duterte umikot ang kanyang pamahalaan sa kanyang drug list.

May pamatrix pa nga eh. Yung leader ng team niya si Espenido
Magugunitang naging kontrobersiyal si Espenido matapos maging Chief of Police ng Albuera Leyte kung saan napatay sa police operations ang hinihinilang druglord na si Mayor Rolando Espinosa Sr. noong 2016.
Noong 2017 ay inilipat si Espinido sa Ozamiz City kung saan napatay naman sa isang operasyon ang Alkalde doon na si Reynaldo Parojinog.
Nagulat ang lahat ng malaman natin na included siya sa listahan.

Kung si Secretary Año ay idadaan pa sa due process ang kaso, iba ang presidente.

Para kay Duterte, abswelto na ang tao niya.

Sinisisi ni Espenido na PNP at mga politiko. Pero takot din siya sa gobyerno.

Ang pahayag na ito ay magpapatunay na EJK is real!
Ano nga ba ang totoo sa drug list?
Naniniwalang Failed Ang Drug War,
PAB
