Ano na naman to Secretary Andanar?

Dear Secretary Martin Andanar,

Kumakati po ba ang kamay niyo pag hindi kayo makahanap ng panibagong pagkakagastusan sa pera ng bayan?

 

Balita ko gagawa daw kayo ng Social Media Corps para sa mga bloggers.  Pantapat sa mainstream media na “Malacanang Press Corps”.
Malacanang SocMed will accompany the President and cover his visits and events. So another gastos na naman?  Grabe kayo no?  Habang ang mga tao sa Marawi namamatay na sa gutom, ang mga sundalo natin nagsasakripisyo ng buhay, ang laki ng pinsala ng lindol sa Ormoc at pabagsak na ang atin ekonomiya naisip niyo talaga to?

Sabi ni Asec. Ablan sa video Membership will be determiend by number of engagement, i.e. 10,000 views per post.

At si Ate Mocha ang gagawa ng policy kung paano ang accreditation? Nagpapatawa ba kayo?  Anong malay niyan sa policy?

Grabe kayo walang pakundangan niyong winawaldas ang pera ng bayan.

Kaya pala sobrang laki ng budget nyo.  So magkano naman ang naisip niyong honorarium ng mga yan?  And I’m sure gobyerno ang gagastos every time may trip si Duterte na kasama sila.

Garapalang pagwaldas sa pera ng bayan.

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *