Ano Bang Meron Ang China at Si Duterte?

Dear KaPAB,

May mga umuugong na balita kamakailan tungkol sa land reclamation projects ng dalawang developers sa Manila Bay na haharang umano sa access ng sariling Navy ng Pilipinas.

Matatandaang ipinagkaloob sa Waterfront ang Joint Venture Agreement noong 2017 upang mag-tayo ng commercial land sa harap mismo ng Philippine Navy Headquarters sa Manila Bay, kahit marami ang tumututol dito.

Sinong ka-partner ng Waterfront? China Harbor Engineering Company. Sino sila? Subsidiary ng China Communications Construction Company, isang state-owned company ng China.

Base sa mga reports, ang CCCC ay blacklisted na sa World Bank dahil sa mga anomalous projects nito kabilang ang highway construction project sa Pilipinas noong 2009 at anomalous projects naman sa Georgia noong 2019. Habang ang CHEC naman ay blacklisted dahil sa bribery sa Bangladesh.

The red one is the waterway of the Navy. Sa pagtatayo ng Waterfront, haharangan nito ang daanan ng Navy.

This is our ship. Paano makakadaan sa sikip na yan?

Pag nagkataon tayo lang ang nag-iisang Navy sa kasaysayan ng buong mundo na walang sariling daungan sa sarili nitong Headquarters kapag natuloy ito.

Yung kulay dilaw naman, 407-hectare “City of Pearl” reclamation project ng UAA Kinming Group Development. Sa pangalan pa lang, siguro mahuhulaan niyo na kung taga saang bansa ang may-ari niyan. Sapul na naman sa daanan ng PH Navy!

Ilan lang ‘yan sa 23 reclamation projects sa bansa na pinangungunahan ng China, na ayon kay presidential spokesperson Harry Roque ay binigyan na ng approval ng administrasyong Duterte upang magpatuloy sa pag-construct.

Diba noong February lang sinabi mismo ng presidente na hindi niya papayagan ang kahit na anong reclamation project sa Manila Bay? Eto o, may resibo pa sa hirit niya na “you wait until the next presidency”

O, anong nagbago? Bakit mukhang tuloy na tuloy na ang mga project ng China-owned companies? Diba mapapaisip ka tungkol sa issue ng National Security? Kamot-ulo na lang, mga Pilipino?

Yamot sa mga kaganapan,

PAB