Ano ang Tinatago ni Duterte?

Dear President Duterte,

Remember po nung pinirmahan niyo ang FOI at nagbunyi ang minions niyo?  Kasi honest ka daw po, walang tinatago. Then nabasa ko po ito.

Ano ang meron sa folder ng mga namatay sa war on drugs at ayaw niyong ipasilip?  Akala ko ba matagumpay ang programa niyo, hindi ba dapat ipagmalaki niyo to?

Anong silbi ng FOI na pinirmahan niyo kung pinipili niyo lang ang impormasyong ibibigay niyo sa taong bayan.

Sabi niyo 6 months, tapos na, tapos sabi niyo one year,  13,000 na ang mga namamatay, maraming kabataan na ang nadadamay. Tapos ngayon sasabihin niyo to?

So ibig niyong sabihin, hindi rin matatapos ang mga patayan?

You lied to your supporters, pinaniwala mo sila. Yung FOI nyo po walang kwenta. Paano kayo nakakatulog sa gabi? Parang impiyerno na ang Pilipinas ngayon, kahit sino puwedeng mamamatay. Ayokong magdasal na mawala ka sa mundo, ipagdadasal ko na lang na kusa ka na lang bumaba sa pwesto mo.

Galit sa Mamamatay Tao,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *