Ano Ang Tawag Sa Ganitong Fallacy?

Dear KaPAB,

What’s wrong with these statements?

ROBIN PADILLA

Walang nagsabi na gumastos ang gobyerno sa basura. Siya na mismo ang nagsabi na nasa gitna tayo ng pandemya, dapat ba unahun ang beautification kaysa sa kalusugan ng mamamayan? Tama siya sa puntong ang basura ay masama sa kalikasan. Pero kung concerned talaga siya sa kalikasan bakit binakbak ang bundok para mapaganda ARTIFICIALLY ang Manila Bay?

So pag si Duterte may gawa selective ang pagiging makalikasan ni Robin Padilla.

MARIEL RODRIGUEZ PADILLA

Mali yung statement na walang nagrereklamo sa basura. Kaya nga nagkakaroon ng clean-up drive ng ilang beses sa isang taon kasi nga ayaw ng tao sa basura.

Aanhin mo ang katiting na part na nilagyan ng dolomite kung sa ibang bahagi ng Manila Bay ay may mga basura pa din.

See the perspective kung gaano siya kaliit? Sa panahon ng pandemya mas gugustuhin ng mga tao na ang tax nila napupunta sa mass testing, ayuda at tulong sa mga maliliit na negosyo.

Ang hindi maintindihan ng mag asawang ito na sayang ang  pera sa dolomite kasi ngayon palang nawawash out na sila. Itim originally ang buhangin diyan.

 

Pag ayaw sa dolomite, gusto ng basura agad? Ang tawag sa ganitong fallacy ay FALSE DILEMMA.

 A false dilemma (sometimes also referred to as a false dichotomy) is a logical fallacy, which occurs when a limited number of options are incorrectly presented as being mutually exclusive to one another or as being the only options that exist, in a situation where that isn’t the case.

Gusto ng karamihan mapaganda ang Manila Bay, pero sana linisin muna, at bakit dolomite ilalagay eh DOH na mismo nagsabi na masama sa kalusugan.

Huwag ibahin ang isyu, may kapangyarihan si Duterte na magre-allign ng pondo sa Bayanihan Act 1 kung kinakailangan. So bakit Imbes libreng mass testing ang ipamigay, buhangin dolomite ang inuna?

Kung talagang ok yan sa kanila yan, eh di sana nag outing sila doon ng weekend.

Don’t me.

Yamot Sa Blind Fanatics,

PAB