Ano Ang Plano Ng Pamahalaan Sa Kanila?

Dear President Duterte,

Ayoko na pong balikan yung mga nangyari kung saan hindi agad kayo nagban ng mga flight na galing China. Sabi niyo noon ayaw niyo silang ma-offend. Ngayon dumating na tayo sa sitwasyong ganito.

Magtatanong na lang po ako kung ano po ang plano niyo mga mahihirap nating kababayan?

Yung mga palaboy na sa kalye na lang natutulog? May balak po ba kayong kupkupin muna sila ng DSWD?

Ano po ang plano niyo sa mga katulad ni Aling Carlota na 68 years old na, she was forced to walk for 2hrs from Caloocan to Divisoria because there was no public transpo. She needed to buy veggies, so she can sell & earn. Otherwise, wala silang pambili ng pangkain.

Marami pa pong katulad Aling Carlota sa Metro Manila. Hindi sa ayaw nilang sumunod sa Enhanced Community Quarantine, wala lang silang choice. Kailangan nilang mamimili, “coronavirus vs. kalam ng sikmura” lahat ng choice puwede silang mamatay.

Yung mga healworkers kulang na kulang ng Protective Equipment. Baka gusto niyo pong tulungan si VP Leni Robredo. Tutal bilyones naman ang intelligence fund niyo.

Mas nauna pang nakaisip si VP Leni nakaisip sa Free Shuttle para sa mga healworkers. Yung military niyo dineploy niyo na walang instructions.

Social distancing di ba?

Hanggang hindi niyo natutugunan ang problema ng mga ordinaryong manggagawa, lalabas at lalabas pa din sila para maghapbuhay para sa pamilya nila.

Hindi na puwede yung drama na nakapantulog na bumisita sa checkpoint. Hindi na yan uubra sa panahong ito.

Kung tutuusin kasalanan niyo po kaya sila na-stranded. Mag announced ba naman kayo ng lockdown sa kalitganaan ng trabaho. Lahat nabigla. Product po iyan ng mga desisyon na hindi pinag-iisipan.

Hanggang ngayon wala pa ring konkretong plano para sa mga nasa laylayan.

 

Naaawa Sa Mga Kapwa Ko Pilipino,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *