Ano Ang Pilit na Pinagtatakpan ng Kabastusan ni Duterte?

Dear KaPAB,

Ilang araw bumula ang bibig ni President Duterte, sa pambabastos sa Diyos lahat tayo galit na galit. Puwede tayong magalit pero huwag nating kakalimutan ang mga sumusunod.

1. P6, 400,000,000.00 na halaga ng shabu. Ang nakakulong palang ngayon ang kawawa-awa ng caretaker. Ang mga druglord nasa labas pa. Hindi pa din natin nakikita ang tattoo ni Polong.

2. Hindi pa rin pumipirma ng bank waiver si Duterte.

3.  Nakalimutan na ang milyones na napunta sa mga Tulfos at Calida.

4. Araw-araw tumataas ang numbers ng extrajudicial killings.

5. Ang mga mangingisda natin ay tinatakot pa din ng mga Chinese sa ating sariling teritoryo.

6. Ang ating teritoryo pinaubaya na sa China.

7. Wala pa ding katarungan ang pagkamatay ni Kian, Kulot, marami pang iba. Ngayon dumagdag sa listahan si Genesis.

8. May nagland na Chinese plane sa Davao for the second time around.

9. Yung patuloy na pagtaas ng bilihin dahil sa TRAIN ni Duterte.

10. Ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Boracay, na iba kumakain na lang ng isang beses na lang sa isang araw.

11. Bilyones na budget na PCOO pero unlimited palpak na serbisyo ang binibigay.

12. Tuloy tuloy pa din ang mga trolls sa pagkakalat ng fake news.

13. Ang pamilyang MandaramBONG gustong bumalik sa pagiging presidente.

at yung EKONOMIYA kailangan ng kumapit.

Ipagtanggol natin ang Diyos at ipagtanggol din natin ang bayan natin. At the same time ipagdasal din natin na sana marami pang magigising sa susunod na mga araw.

Lumalaban Para sa Diyos at Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *