Mga Katanungan sa Declaration ng Martial Law

Ang daming mga nangyari kahapon sa bansa natin. Hayaan nyong isa isahin ko po para maupdate kayo kung tama ba ang declaration ng Martial Law.

Sabay sabay natin suriin ang mga pangyayari.

• Kahapon mga around 4PM, pumutok sa social media na di umano nilusob ng ISIS ang Marawi.

• At around 6:09 pm, the AFP released a written statement saying that this was an operation initiated by the AFP itself as they were going after Hapilon.

• At 8:30 pm the Marawi City Mayor spoke to CNN appealing to send reinforcement from the Armed Forces and PNP as there is no military presence in the city.

• It was only at 10:00 pm that Presidential Spokesperson Abella released a statement via Facebook live through blogger, Thinking Pinoy in Russia. In his statement, sabi nya tuloy ang trip ni Duterte kasi may tiwala daw sa AFP ang presidente.

Tapos at 11:30 pm, together with all his high ranking security officials in Russia, President Durerte called for Martial Law and said he was hopping on a plane back home.

Kung everything is under control ng AFP bakit kailangan magdeclare ng martial law? At kung Marawi lang ang apektado bakit ang declaration ay sakop ang buong Mindanao?

Kung ating babalikan noong May 21, nagbanta si Duterte na magdedeclare ng Martial Law,  ilang araw bago ang Maute group attack. At naalala nyo po ba na mula sa Sulu pinalipat sa Davao ang may 400 na sundalo?

There is something wrong somewhere. Nung panahon ni GMA, nagkagulo din sa Mindanao at nagdeclare ito ng Martial Law, pero hindi naapprove ng kongreso. Panahon ni Pnoy, Zamboanga siege, walang declaration of Martial Law bagkus pinagkatiwalaan ang AFP na masolve ang problema.

Sa nangyayari ngayon, sana hindi ito practice lang sa pagdeclare ng Martial Law sa buong bansa. Sana hindi ito scripted. Kasi may mga buhay na nawala dahil lamang kung saka sakali sa kapritso ng iisang tao. 😠

Patuloy tayong magmatyag.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *