Ano Ang Gagawin Ni Kaldero Sa Puntong Ito?

Dear KaPAB,

Kung tutuusin, hindi dapat makialam ang presidente sa gulo sa Kongreso. Kasi dapat independent talaga sa isa’t-isa. Pero ngayon nanganganib na ang budget kasi sobrang pagkaganid sa puwesto.

Ang usapan sa October 14 dapat si Cong. Velasco na ang papalit kay Kaldero, pero ayaw bumitaw sa pwesto. Kasehodang  masakripisyo ang budget ng bayan basta hindi siya matanggal. Kahit ang senado nagbababala na sa usaping Ito.

 

Pinagbakasyon ba naman ni Kaldero ang mga Representatives hanggang November para hindi lang siya matanggal. Ayun biglang nagalit si Duterte, nag midnight rambling na naman.

At ngayon nagpasa na ng certification na urgent si Duterte. At sabi kailangan magkaroon ng session next week.

President Duterte calls for a special session of congress from Oct. 13 to 16 for the budget to be passed on time.

Naku, pasok ang Oct. 14 kung saan dapat bababa na si Kaldero sa puwesto.

Mukhang checkmate na ang Representative ng Taguig. Unless suwayin niya si Duterte, mukhang by October 15 si Velasco na ang Speaker of the House.

Bilog kasi mundo

Merese,

PAB