ANGHEL NA DI KAYANG TUMAKBO

“May sobra sa sampung lalaking dumating. Hinuli nila ako. Adik daw ako. Umiiyak akong nagmakaawa “Hindi po ako addict, kahit ipadrug test nyo pa ako. Maawa po kayo! ” Ngunit para silang mga bingi, nagtatawanan pa. Tinutukan ako ng baril sa ulo, sabay sigaw “Takbo!”.

Nagmakaawa po ako sa kanya “Kuya, may kapansanan po ako, di po ako makatakbo. Maawa po kayo sa akin. Maawa po kayo sa Mama ko” Parang hindi nila ako narinig, sumisigaw pa din sila sabay tulak sa akin “Takbo! “. Lakad, takbo po ako sa paika ikang paraan, pero alam ko, aabutan po ako. Isang putok ang huling narinig ko, ang huling nasa isip ko,  “Mama ko, Mama ko.. “

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *