Ang Yabang niyo Po!

Dear Senator Angara,

Binoto ko po kayo. Kasi akala ko po ang puso niyo talaga para sa mga kababayan natin. But I guess I was wrong. Nakikita ko po kung paano kayo kinain ng sistema. Mula sa pagiging bulag pipi at bingi niyo sa EJK ni Duterte hanggang sa pagbalahura niyo sa konstitusyon nung hindi niyo man lang pinag usapan ang declaration ng martial law sa Kongreso.  Kahit ang dati mong kasamahan sa LP, natiis mong mapaalis sa chairmanship. Kahit mga netizen binastos mo noong tinawag mong “armchair expert”. Then I saw this post today.

You post na naaalarm ka sa pagpatay kay Kian, and then a netizen name Jonas  Bagas, nagbigay ng mga suggestion sa yo on what you can do as a Senator, pero ano ang sinagot mo?

Di ba po ang yabang niyo lang?  Imbes magpasalamat kayo pinag yabang niyo pa na nagfile kayo ng bill. Senator naman, trabaho niyo po yan eh.  Kung Senator yan si Jonas Bagas, malamang sya na lang ang gumawa sa mga suhestiyon niya sa inyo. Kasi by the looks of it mukhang hindi niyo naman kayang gawin dahil sa sipsip kayo kay Poong Duterte.

You are so young para makain ng sistema. Nawalan kayo ng paninindigan. Tapos pag pinupuna kayo, kayo pa ang mayabang?  Kung ginawa niyo lang ang trabaho niyo ng tama hindi na aabot sa pagdanak ng ganito kadaming dugo.

Ngayon lang kayo nagsalita, ang lame pa.

People will remember you na isang enabler sa lahat ng patayan na to, kasi you choose to be silent sa araw -araw na patayan. Blood is also in your hands.

He who passively accepts evil is as much involved in it as he who helps to perpetrate it. He who accepts evil without protesting against it is really cooperating with it.”

Yamot sa Mayabang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *