Ang Tunay Na “Unkabogable”

Dear KaPAB,

Nabalitaan niyo na siguro yung pag detain sa Hongkong kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales kahapon.

 

 

Sabi security risk daw kaya hindi pinayagan makapasok sa Hongkong.

Paano maging security risk ang isang 78 years old na babae? Porke ba nagfile siya ng kaso para ipagtanggol ang teritoryo laban sa China, ay ibubully na?

 

Pumunta lamang doon sana kasama ng mga apo niya para mamasyal sila sa Disneyland.

Kung sa tingin nila matatakot nila si Ombudsman Morales, nagkamali sila. Kasi lalo lang naging determinado na ipagpatuloy ang kaso laban sa China.

Ang masaklap dito ay ang kawalan ng action ng pamahalaan.

Yamot Sa Mga Bully,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *