Ang Tunay na Kaibigan

Dear President Duterte,

Nabasa ko po na maraming pinadalang brand new fire arms ang mga Amerikano bilang tulong sa ating mga sundalo sa pakikipaglaban sa Marawi.

Mabuti na lang hindi natibag ang pagkakaibigan ng US at Pilipinas ng isang balahurang bibig. Siguro ang pait ng panlasa sa inyo po no, na humingi kayo ng tulong sa US.  Syempre lulunukin nyo pride niyo kasi pinagmumura niyo sila dati.

Nasaan na pala,  ang BFF niyo na China at Russia?  Ni isang bala wala po yatang nadala. Mabuti pa ang USA pinadala ang isang spy plane nila para tumulong sa ating mga sundalo.

I hope by now narealize nyo na kung sino talaga ang tunay na kakampi.  Yun po ang mga tumutulong na walang kapalit.

Ang China may investment na pumasok, soft loan naman. May interest pa. Ang Russia may firearms nga, babayaran mo naman.

Kailangan nyong ayusin ang skills nyo sa international relationship kasi kapakanan ng bawat Pilipino ang nakasalalay.

Mabuti na lang hindi nagtanim ng galit  ang mga Amerikano sa kabastusan niyo,  at least ngayon tumutulong pa din sila sa oras ng ating kagipitan.

Galit sa bastos,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *