Ang Troll na Ayaw Tumigil

Dear Ate Mocha,

Kumusta po ang London?  Sikat na po talaga kayo, may pa London-London pang nalalaman. Sana po hindi pera ng bayan ang ginamit niyo po ha. Baka naman pati pamasahe ng dancers niyo, pera pa ng bayan ha. Mahiya po kayo.

Pero in fairness sayo ha, kahit nasa London ka active ang page niyo po. Sila na ba ang mga assistant na binigay sayo ni Andanar? Taong bayan na naman nagbabayad niyan sa kanila pag nagkataon.

Anyway gusto lang kitang sagutin dito sa post mo po.

Sabi mo ayaw sa FOI ni Pnoy, napaghahalata ka po talagang walang alam sa pagpasa ng batas. Ate Mocha noong panahon ni Pnoy sinama na sa priority legislation yan for 2015, it was written in the budget message for the 2016 National Expenditure Program, alam mo ba kung bakit hindi naipasa? Sasabihin ko po sa inyo kasi tamad kang magbasa. Kasi po pinipigilan ng mga mambabatas kasi po may provision na gustong idagdag si Pnoy iyon po ang paglagay ng lahat ng kanilang SALN online. Kaya hanggang second reading lang umabot ang FOI, kung may dapat kang sisihin dito ang mga Congressmen at hindi si Pnoy. Anong pipirmahan ni Pnoy kung hindi man lang umabot sa third and final reading? Sabagay halata namang wala kang alam sa pagsasabatas ng mga bills.

Speaking of FOI,  bakit hindi pa tumatakbo ang FOI bill? Di ba supermajority na kayo?  It will be easier to pass the FOI now. Yang FOI na pinagmamalaki mo,  Executive Order pa din. Ang sakop lang ang Executive Department. Pero hindi kita tatanungin kung bakit hindi pa pinipirmahan ang totoong FOI ni Duterte, hindi naman ako tanga katulad ng iba. Alam ko naman na nilulumot na ang totoong FOI sa kongreso.  Yung FOI na sakop lahat. Ngayon kung talagang FOI ang gusto mo, sabihin mo sa Supermajority ni Tatay Digong na madaliin ang process para batas na talaga at FOI para sa lahat.

Ngayon binabatikos mo si Pnoy kasi bakit hindi napirmahan yan noong panahon niya yung Free Tuition Bill, again hindi nakarating sa table niya. For your information since tamad ka magresearch, eto po ang mga ginawa muna ni Pnoy nung panahon niya 66, 000 classrooms built in 6 years. (Na wipe out yung backlog na inherited from previous admins), Hired 30k plus teachers, Enacted K-12 program to put the Philippines on par with other countries and textbook backlog solved.

Ngayon ito po advice ko po Ate Mocha ha, samantalahin mo po ang free tuition law,  mag aral po kayo uli para at least malaman niyo na ang mga batas na pinipirmahan ay hindi galing sa bulsa ng presidente ang gagastusin.

Nakakahiya po kasi di ba?  Ang budget po kasi ay galing sa pera ng bayan.

Anyway, enjoy London siguraduhin mo lang na hindi pera ng bayan ginastos mo at ng Mocha girls sa pamasahe nyo.

Yamot sa Tsismosang Mema,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *