Ang TRAIN na Pinaandar Niyo Ang Nagpapahirap sa Bayan

Dear KaPAB,

Nakakatawa yung mga Senador natin. Parang kailan lang na pinagmamalaki nila na ang TRAIN daw ang Christmas gift ni Duterte sa ating bansa.

Kahit pa ilang mga grupo ang nagsasabi na hindi maganda ang magiging epekto nito sa sa ekonomiya. Sa kagustuhan maplease ang kanilang Poong Duterte, sige pa rin.

As early this year, paulit-ulit nang nakikiusap si Senator Bam Aquino na itigil sana ang excise tax sa langis para kahit papano maibsan ang paghihirap ng mamamayan. Resibo.

PRENO MUNA SA TRAIN!

Ayon kay Sen. Bam Aquino, maghahain siya ng panukala na magbabalik sa una niyang mungkahing ipatigil ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kapag lumampas na sa tinatawag na “target range” ang inflation rate.***“We pushed for these safeguards even before the TRAIN Law was passed, but they were disregarded. Siguro ngayong nakikita nilang nahihirapan na ang taumbayan, susuportahan na nila ang amyenda kong ito.” – Sen. Bam Aquino

Posted by Bam Aquino on Wednesday, 9 May 2018

Noong May pa yan, nakiusap si Senator Bam, sa kanyang mga kapwa Senador na tulungan siyang ipanukala sa Presidente na itigil muna ang excise tax. May nakinig ba sa kanila? Kahit na gumawa si Senator Bam ng SBN 1798.

ang Bawas Presyo Bill walang sumuporta.

Hinintay ng mga 9 Senador na nakapirma dito na maghirap muna ang mga mamamayan sa taas ng bilihin.

Bago nila nilabas ito.

Anong meron ngayon, na Wala noong May kung saan nagpanukala si Senator Bam? Hinintay muna nila na umabot sa P60 pesos ang presyo ng langis bago sila sumulat ng ganito?

Malapit na pala ang election. Kailangan magpabango na ng pangalan no?

Pero eto ang tugon ng Gobyerno.

Isususpinde ang TRAIN 2 daw. Paano mo isususpinde ang isang bagay na hindi pa naiimpliment? Sa January pa ang implimentation ng TRAIN 2. Ang kailangan isuspinde ang excise tax ng TRAIN 1, kasi eto ngayon ang nagpapahirap said taong bayan.

As early as May and June walang sawang nakikiusap si Senator Bam. Resibo.

Sen. Bam Aquino: Solusyon Hindi Dahilan at Debate

Habang patuloy ang debate sa mga rason ng pagtaas ng presyo, ang hinahanap ng taumbayan solusyon, hindi po dahilan. Hindi po debate, solusyon po para sa ating mga problema.Kailangan natin itong aksyunan.

Posted by Bam Aquino on Thursday, 7 June 2018

May sumuporta ba sa mga senator na pumirma ng TRAIN na yan? Waley di ba?

October na ngayon, 2 months na lang pasko na, mataas pa din bilihin. Yung sagot ng Gobyerno na isuspend ang TRAIN 2 hindi naman yun makakapagpababa ng presyo ng bilihin ngayon.

So mga kababayan, higpit sinturon tayo. Kailangan natin magtiis ngayong pasko dahil ang mga senator na pumirma ng TRAIN law ay hindi man lang pinag-aralan ng mabuti ang isang batas bago pinasa.

Yung kakandidato sa kanila sa 2019:

1. Sonny Angara

2. Nancy Binay

3. JV Ejercito

4. Koko Pimentel

5. Cynthia Villar

6. Grace Poe

So alam na natin kung sino ang dahilan kung bakit hirap tayo ngayon sa taas ng bilihin.

Huwag na tayong magpaloko uli.

Yamot sa mga Sipsip,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *