Ang Totoong Numero sa EJK

Dear KaPAB,

Kamakailan nagpasa ng accomplishment report sa Malacañang ang PNP. Nakakuha ng kopya si Senator Trillanes sa nasabing report. Ang senador na hindi napapagod lumaban para sa karapatang pantao ng mga Pilipino.

Ayun sa PNP 3967 ang namatay sa tokhang from July 1, 2016- November 27,2017. Pero ang homicide cases under investigation 16,355! Resibo.

Kaya pala ang mga bangkay ay hindi na kinakaya ng mga funeraria. Para na silang panggatong na pinapatong patong na lang.

Ilang mga inosente pa kaya ang madadamay?

Alam niyo ba kung ilang pamilya na ang naulila?

18,000 na kabataan. Ilan sa kanila ang nagkaroon ng trauma gaya ni Joaquin Garbo?

DDS man o Dilawan o kahit wala ka pang kulay, alam mong may mali na sa mga nangyayari.

3,900 man o 20,000 ang mga namatay, alam mo sa puso mo na hindi tama ang ginagawa ng administrasyong ito.

20,322 na patay ayun sa nakalap na reports ni Senator Trillanes from PNP data. Kaya pa ba? Mananahimik ka pa ba? Kung gusto niyong mailarawan kung gaano sya kadami, picture this.

Ang larawan na yan ay 12,000. Dagdagan mo na lang ng another 8,000. Ganyan na po karami.

Kung patuloy tayong magbubulag bulagan, kung patuloy tayong hindi kikibo, bukas makalawa baka ang mga mahal na natin sa buhay or tayo mismo ang susunod.

Kung ang 16,355 ay hindi drug related, ano ang ginagawa ng PNP at hinayaan na lumobo ng ganito ang number of homicide cases?

Kakayanin mo pa ba, Bayan ko?

Naiiyak sa Sinapit ng Pilipinas,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *