Ang Tao, Ang Bayan, Ngayon ay Lumalaban

Dear KaPAB,

Oras na para marinig ang boses ng bayan. 13,000 na ang mga namatay.

Maghihintay pa ba tayo ng isa pang Kian? Wala ng boses si Kian, para lumaban, tayo ang magiging boses niya. Tayo ang lumabas para sa kanya.

Oras na para lumabas tayo sa social media para maglakad sa kalsada.

Sa mga DDS, iniimbitahan namin kayong sumama, kasi kahit DDS hindi po ligtas sa madugong laban na to. Si Kian, isang DDS, pinatay pa din po sya.

Oras na para magising kayo. Oras na ang bayan naman ang ipaglaban niyo.

Sama-sama tayo, sa EDSA.

Sobra na, Tama na, Magresign na!

Lumalaban para kay Kian,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *