Ang Tamang Pananaw sa Nangyaring “Duterte KISS”

Dear KaPAB,

I am sure kagabi pa kayo diring-diri sa mga pictures at video na nagkalat. Pinapakita kung paano hinalikan ni Duterte sa lips ang isang may asawang babae. Sure din po ako na napanood niyo na po ang video na ito.

Eto yung video na sinabi ng babae na walang malisya nag nangyari, at pakilig lang daw yun. Alam ko po na iba’t ibang opinion ang nasabi ng iilan. Gusto ko lang pong ishare sa inyo itong nabasa ko pong thread mula kay Elizabeth Angsioco of Twitter. Kasi sa opinion ko po, eto dapat ang ating maging pananaw sana sa pangyayari.

1. 

Maraming nag react agad na dapat sisihin ang babae sa nangyari, pero siguro laliman pa natin ang ating pang unawa. Ano nga ba ang power relations na sinasabi?

2. 

Tingnan natin ang pagkakaiba ng katayuan nila sa buhay. Presidente vs. OFW na may asawa. Nakita natin sa video na nagmano ang babae.

3. 

Umalis na yung dalawa sa stage, pero pinabalik at hiningan ng presidente ng halik sa lips. Sa ganoong sitwasyon naipit na ang babae. Alam ni Duterte na may asawa ang babae. Alam niya na conduct unbecoming ang gagawin niya. Nalagay sa alanganing sitwasyon ang babae doon.

4. 

Oo nga naman, presidente siya. Nakakaoverwhelmed  na makaharap mo at humingi pa ng kiss sa yo. Di ba sa mga boss natin, minsan mahirap tumanggi pag may hinihingi? Hindi na nga pantay ang pagtrato sa kababaihan lalo pa itong lumala dahil sa malayong agwat ng position nila. Imagine, presidente tapos yung babae OFW?

5. 

Kung si VP Leni at DoT Secretary Romulo-Puyat nakaranas ng pambabastos kay President Duterte, na mga powerful at may position pa sila at hindi sila nakapalag how much more ang isang ordinaryong OFW? Hindi dapat natin sisihin ang babae. Maaaring hindi pa nag sink in sa kanya hanggang ngayon na nabastos siya. Minsan nangyayari talaga yan sa mga nahaharass.

Tama si Ms. Beth Angsioco, kung may dapat mang sisihin dito, ay si PRESIDENT DUTERTE. Siya ang may control ng sitwasyon kaya lang ginamit niya ang position niya at kapangyarihan para mambastos ng babae.

Anuman ang political leanings natin, hindi dapat nating tanggapin ang anumang uri ng kabastusan galing man ito sa ordinaryong tao o sa presidente ng bansa.

#BabaeAko at hindi ako papayag na mabastos ang pagkatao ng kabaro ko.

Lalaban Ako sa Kabastusan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *