Ang Swerte Ni Nicanor Faeldon

Dear BuCor Chief Nicanor Faeldon,

Iba talaga pag malapit sa kaldero no? Laging nauulingan.

Akalain mo nalusutan ka ba ng 6.4 bilyon na shabu, abswelto ka pa sa pagiging pabaya mo. Tapos ini-appoint ka sa panibagong pwesto.

Tapos bago magpasko, nahuli ang anak mo sa isang drug den. Drug den na matagal na siyang nakatira. Pero swerte uli, kasi bago magpasko, napalaya na naman.

Buti pa ang anak mo kapiling ang pamilya niya ngayong pasko. Pero sila Kian na nasa bahay lang nila at wala sa drug den, walang awang pinagbabaril.

Bakit kaya pagdating sa ‘yo ang war on drugs ni Duterte ay parang nagiging peke? Tsk. Tsk. Tsk.

 

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *