Ang SONA2017, a Closer Look

Dear Tatay Digong,

Katatapos palang ng #SONA2017 nyo po. Nagtiyaga po talaga akong makinig ng sobra sa dalawang oras kasi baka nga naman may plano talaga kayo sa ekonomiya ng bansa natin. Natapos na lang po ang SONA wala pa akong narinig. Hindi yata State of the Nation Address yun po. Parang State of your Mind Address po yun. Sa sobrang pagmumura niyo po, I can conclude that your mind is parang not in a good state. Anyway, Tay, may mga bagay lang po ako na gusto ko sanang mabigyang linaw. Isa isahin ko Tay ha?  Para klaro po tayo.

DIRECTOR

First,  galit po ba sa inyo si Martin Andanar?  Kasi po ang director na kinuha niya sa SONA ay pinapahamak po kayo. Last year ang kuko ang laging pinopokus ng camera. Tapos ngayong taon ang malaki niyong ilong na puro pores naman. Ang sagwa po kaya. Kadurdur!

Sana man lang nagpa facial po muna kayo, kasi kita na po ang blackheads at whiteheads niyo. 😷

Ngayon po Tay, punta tayo sa content ng SONA niyo.

MINING

Sabi niyo po concern kayo sa Kalikasan at gusto niyo po responsible mining. Nabanggit niyo po si Manong Ted Failon.  Sabi niyo po gusto niyong pagbayarin ang mga mining company katulad ng plano ni former secretary Gina Lopez. Tanong,  kung talagang sincere kayo sa pag aayos ng kalikasan bakit hindi niyo pinaglaban si Secretary Gina sa mga kapartido niyo sa Commission on Appointment? Kasama po sila sa Super Majority party niyo di ba? Another question kung talagang sincere ka bakit sa pag disapprove kay Sec. Gina, ay ang unang ginawa is to lift yung suspension sa mining companies na nakita ng DENR na sumisira sa kalikasan?  Iba po ang pinagsasabi niyo ngayon sa mga action na ginawa niyo noon. I guess utang na loob is more important than the environment.

RAPPLER

Hindi ko po maintindihan kung bakit naisingit niyo ang Rappler sa Mining eh sobrang layo naman po.  Sabi niyo foreign owned ang rappler. Tay, sinabi ko na po sa inyo na wag kayong magdidikit kina Thinking Pinoy, Sasot at Ate Mocha, kasi pati ikaw nahahawa na sa FAKE News disease. San niyo po ba nakuha ang fake news info na yan?  Nakakahiya po kayo kasi po eto po ang totoo.

Rappler is 100% Filipino-owned even if the company uses Philippine Depositary Receipts (PDRs) to allow foreign partners to have commercial interests.

Omidyar Network and North Base Media, groups composed of foreigner journalists and investors, have economic interests but own no part of the company.”

Napag aralan niyo po sa college ang ibig sabihin ng PDR or Philippine Depositary Receipts? Palagay ko hindi. Eto Tay ha, libre lecture na from me. Makinig para po sa sunod na bukas ng bibig niyo, hindi na fake news ang lalabas.

PDRs are financial tools that individuals or entities can use to have a stake in a company they believe in. Their involvement is limited to potential commercial benefits. They neither get voting rights on the Board nor have a say in the management or day-to-day operations of the company.”

Yan OK na po?  Tay, wag kayong maniwala sa fake news kasi nakaka cancer daw po.

HUMAN RIGHTS 

Bilib po ako sa tapang ng apog po niyo Tay, nang sinabi niyo po na.

“I value human life”

Luh sya napaka sinungaling. Di ba nga kasasabi niyo palang na pag nahuli at nanlaban patayin, kung hindi lumaban palabanin para patayin.

You don’t value human life. Kasi sa bibig niyo po ang lumalabas po kill, kill and kill lang po lagi. Wag plastic Tay, nakaka cancer din.

BALANGIGA BELL

Seriously?  Papasok po kayo ng giyera sa America dahil sa isang bell?  I understand the significance of the bell. Pero ang pinagtatawanan ko, ang teritoryo natin na inagaw ng China, ay naduwag kayong bawiin tapos ngayon sa Balangiga Bell, tapang tapangan kayo?  Luh, grabe sya oh. Twisted ang priorities.

CORRUPTION

Sabi niyo by just the whiff of corruption, tatanggalin niyo. Aguirre ay nainvolve sa bribing scandal. Montano ginawang family incorporated ang opisina niya. Diño kulang na lang pati katulong nila ay ipasok sa opisina nila. Wanda Teo napabalitang humihingi ng mga imported bags and shoes sa mga sponsor. Hindi pa po ba whiff of corruption ang natatanngap niyo about them? Bakit nandiyan pa sila? Yung Corruption ek-ek niyo po ay kaiporitohan po yan Tay.

OFW

Binola na naman niyo po ang mga OFW natin. Sabi niyo dinagdagan niyo po ang budget nila sa assistance. Kung totoo pong dinagdagan niyo bat hindi niyo na lang ginawang libre ang OFW ID nila?  Imagine they will be paying 500-700 every year kasi yearly ang pagrenew. Tapos sa priority bill niyo na minamadali niyo na maaprove ng Senate ang kanilang remittance fee papatawan niyo pa ng buwis. Ngayon pati ultimo pagpapadala ng balikbayan boxes nila pinahirapan niyo pa. Ang hirap sa inyo Tay, sinasabi nyo lang po ang gustong marinig ng mga tao pero pagdating na sa implementation, nganga no po kayo.

Trapo po kayo eh. Kaya magaling sa mabulaklak na pananalita para mapaniwala ang ibang OFW na uto-uto.

INFRASTRUCTURE

Sabi niyo ang gagawin niyo ay Build,build, build, pero nakaligtaan niyo naman ang LOAN, LOAN, LOAN. Saka sabi niyo yung dalawang tulay ay bigay ng China for free. Luh, hindi kaya. Loan kaya yun na babayaran na naman ng bawat Pilipino.

EKONOMIYA, EDUCATION, PANATAG SHOAL SALARY INCREASE OF MILITARY AND TEACHERS, ENDO AND EMPLOYMENT. 

Eto po sana ang gusto kong marinig eh. Kaya lang pinalitan niyo yata ng puro mura eh. Ang bastos ng bibig nyo po, hindi magandang halimbawa.

Nakakahiya sa mga diplomats na nandun. Pinagtatawanan na tayo ng buong mundo kasi po balahura po bibig niyo.

Sabi niyo baka huling SONA niyo na po to… Sana nga po magkatotoo.

Galit sa Balahura,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *