Ang Sinabing Regalo, Bangungot Pala Sa Mga Tao

Dear Senator Sonny Angara,

Natandaan mo ba last year kung paano mo minadali ang TRAIN? Na kahit ilang economist na ang nagsabi na ang tao ang mahihirapan sa TRAIN pinilit niyo pa rin. Ikaw ang Chairman ng Ways and Means Committee, ikaw ang namuno ng TRAIN na nagpapahirap ngayon sa bayan.

 

 

Sabi mo pa noon, ito ang pinakamagandang regalo noong nakaraang Pasko.

 

 

Sinungaling ka. Pahirap ang dala ng TRAIN. Ang taas ng mga bilihin maging ang mga service at pamasahe. Yung ibang tao, halos isang beses na lang kumakain sa isang araw. Grabe ka naman mag regalo, puro pahirap ang dala mo.

Ngayon lumabas na pati ang middle class apektado kasi pati ang HMO nila ay bubuwisan na.

 

 

Maaring tumaas nga ang take home pay ng karaniwang empleyado pero sa taas ng bilihin, hindi rin nila ramdam kasi yung HMO nila na binabayaran buwan-buwan ay papatawan din ng buwis.

Tapos ngayon na malapit na election, gusto mong pigilan ang implementation? Paano mapipigilan yan ngayon eh ikaw isa sa mga dahilan kung bakit naisabatas ang TRAIN na yan!

Sana man lang napag-aralan mo muna, bago niyo pinamunuan ang TRAIN na yan.

Bangungot ng Pasko ang dinala mo, hindi regalo!

 

Yamot Sa Mga Sipsip,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *