Ang Sekreto daw ni Bruce Rivera, Bow

Dear Atty. Bruce Rivera,

Hindi ko po alam kung matatawa po ako or maaawa po ako sa inyo sa post na to.

Sasagutin kita po ha. Nagagalit ka kasi sabi mo tinatawag kayong trolls ni Maria Ressa at Pia Rañada. First let’s define what is an internet troll,

Ang troll daw po yung nanggugulo sa internet sa pamamagitan ng ng pagsisimula ng away at pagpost ng mga paninira sa kapwa in an online community.

Now, hindi po ba yan ang mga ginagawa niyo mula pa sa simula?  Remember na ginawa niyong big issue ang paghihintay ni VP Leni ng bus pauwi? Kung ano2x pangungutya ang pinagsasabi niyo about her? At yung pasabog ng “We Are Collecthieves” na nirepost nyo ang katakot takot na paninira kay VP Leni at sa yumaong Jesse Robredo?  Hindi ba ugaling trolls yun?  Ngayon bakit ka magagalit kung halimbawa mang sinabihan ka na troll e yun naman ang gawain mo?

Second sabi mo, tinawag kayo ni Ate Mocha na internet trolls ni Maren Winnie without hesitation. Tapos sa sunod na paragraph ang idedemanda mo si Maria Ressa at Pia Rañada ng rappler?  Luh, grabe sya yung may kasalanan sabi mo si Juan tapos ang idedemanda niya si Pedro at Filipe, banlag po ba kayo?

Now, sabi mo the charges will not be announced in public, pagkatapos mong ipost sa FB tapos sasabihin mo na ang balak mo ay  sekreto para hindi maka prepare ang rappler? Hahaha!  Nagpapatawa po ba kayo? Sekreto tapos public post? Addict lang?  😂😂😂

Eto seryoso na.  Let’s go to your “secret” case . At most you can go for libel and damages but in that case Fair Comment doctrine Applies. Alam mo na dapat to eh. Abogado ka na eh. Ako nga nagbabasa lang alam ko  to eh.

The doctrine of fair comment means that while in general every discreditable imputation publicly made is deemed false, because every man is presumed innocent until his guilt is judicially proved, and every false imputation is deemed malicious, nevertheless, when the discreditable imputation is directed against a public person in his public capacity, it is not necessarily actionable. In order that such discreditable imputation to a public official may be actionable, it must either be a false allegation of fact or a comment based on a false supposition. If the comment is an expression of opinion, based on established facts, then it is immaterial that the opinion happens to be mistaken, as long as it might reasonably be inferred from the facts.

In other words bakit ka magagalit kung sabihan ka ng troll eh you act like a troll, you talk like a troll and you even think like a troll, kung ang opinion nila sa yo ay troll ka, so ano ang libelous dun?

This decision of the case was adapted from US case of New York Times v. Sullivan

We adapted it here in a case.
Borjal V. Soliven

Sa case ng US public official lang. But sa landmark case ng Borjal at Soliven, we expanded it to include anyone in the public sphere: celebrities, known personalities, anyone seeking publicity, so pasok ka dun sa seeking publicity yung papampam?

Libel-libel, tse! If you don’t want masabihan ng troll then tell yourself and your group to stop acting like one.

Secret daw pero may date kung kailan ifile, hinamon mo pa si Atty. Falcis tapos hindi mo man lang naisip ang Fair Comment Doctrine.

Hay naku,  pinagloloko na naman mga kasama niya.

Ano yun pag kayo manlait OK lang?  Pag kayo ang punahin libel agad?  Wag ka nga.

Yamot sa mga Papampam,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *