Ang Pulitika Sa San Juan City

Dear KaPAB,

Noong isang araw napadaan ako sa San Juan City. Ang daming sasakyan at sobrang dami ng tao. Miting de Avance pala sa San Juan City ng partido ni Janella Estrada.

 

Dalawang political scion ang maglalaban sa San Juan City. Ang mga Estrada at ang mga Zamora.

FRANCIS ZAMORA

Dating kakampi ng mga Estrada, ngayon humiwalay na. Maraming haka-haka kung ano ang dahilan. Ang iba nagsasabi na dahil daw ito sa isang checke na napunta kay Zamora, na hindi dapat sa kanya, na tinutulan ni dating Mayor JV Ejercito. Hindi natin alam kung ano ang totoo. Pero ang klaro naghiwalay na sila ng landas. Pangalawang beses na laban niya na ito. Tinalo siya ni Mayor Guia Gomez last election.

 

Ayun kay Zamora, sawa na daw ang tao sa mga Estrada.

 

 

JANELLA ESTRADA

Apo ni Joseph Estrada. 29 years old, bata pa napasabak na sa pulitika. She was elected as councilor then Vice Mayor. Matagal ng hawak ng mga Estrada ang San Juan.

Yung flagship project niya ay yung reformation ng mga drug addict.

 

Pareho silang batikan sa larangan ng pulitika. Sino kaya ang pipiliin ng mga taga San Juan? Yung bata o yung matanda? Yung luma o ang bago?

Base sa latest survey, mukhang Estrada pa din gusto nila.

Magbabago kaya ito sa May 13? Abangan.

Maghihintay Ng Resulta,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *