Ang Pambato ng PDP-Laban na mga Senator sa 2019, Nilabas na!

Dear KaPAB,

Kilalanin natin ang pambato ng PDP-Laban. Resibo.

Secretary Harry “Hollowblock” Roque

Graduate sa UP. Eto ang nagsabi na hindi daw human rights violator si Presidente. Resibo.

Dito pa lang sa statement na to, laglag na sya sa akin.

Representative Karlo Nograles

Dating mortal na kaaway ng mga Duterte sa Davao, pero biglang lumipat ng naging Presidente si Tatay Digong. Trapo moves. Resibo.

Albie Benitez

Pangalawa sa pinakamayaman sa lahat ng kongresista. Sinampahan ng kaso ng mga magsasaka sa pagkamkam ng lupa na dapat sana covered ng CARP. Resibo.

Geraldine Roman

Dating dilawan, lumipat sa PDP laban. Voted yes sa death penalty. Trapo moves.

Francis Tolentino

Sino ba naman makakalimot sa mga twerking girls noong panahon ng kampanya. Resibo.

Mocha Uson

Syempre nakilala natin siya as propagandist at isa sa mga nagkakalat ng fake news. Resibo sa isa sa mga fake news niya.

This group is Team Joke Time. From twerking to fake news ang pauso. Trapo moves, klarong-klaro.

Hindi Pipili ng Payaso sa Senado,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *