Ang Pamahalaan sa Gitna ng Sakuna

Dear President Duterte,

Sa gitna ng kalamidad hindi maiiwasang na magkaroon ng paghahambing sa inyo at sa nakaraang administrasyon.

Noong panahon ni Pnoy.

1. Pinagtibay niya lalo ang NDRRMC that was created under GMA admin by adding NOAH. Eto po yung National Operative Assessment of Hazards or NOAH where hazard maps became part of risk prevention be it from earthquakes, typhoons, flooding, drought and other calamities. Malaking bagay po ito sa mga LGU pagdating sa mga sakuna.

2. Nagkaroon ng packing system ang DSWD para mapabilis ang pagpack ng mga goods na pangngailangan ng nasalanta. Resibo.

3. Kahit pa sabihin na hindi ganoon kadali ang Yolanda rehabilation because of beaucracy and other factors, malaking lesson yun para sa PNoy admin kasi ang mga susunod na sakuna mas pinag-igi na ang zero casualty every sakuna tapos when in times of calamities, we can all tune in on the NDRRMC hotline, see PNoy directing the aid and rehab traffic on periodic bulletins on TV how calamity mitigation was managed.

Ngayong panahon niyo po, President Duterte,

1. Tinanggalan niyo po ng pondO ang project NOAH na sana malaking tulong pag may sakuna. Resibo.

Alam niyo ba kung meron yan sana malaking tulong sa Lanao del Norte kasi nasa map na siya ng NOAH? Resibo.

Pero dahil tinanggalan niyo ng pondo. Eto ngayon hindi sila nakapaghanda. May mga namatay during the VintaPH

2. Ang calamity fund binawasan niyo ng bonggang bongga at nilipat niyo sa intelligence fund at PCOO. Resibo.

3. Dumating ang typhoon Vinta, si Bong Go lang ang nakita namin na nag jetski, to think Davao na yun ha. Resibo.

Ang narinig lang namin sa iyong statement ay “me putanginang bagyo na namang parating, di pa nga tapos yung isa”. Resibo.

4. Dati pag nagkakaroon tayo ng sakuna, halos lahat ng bansa nagtutulungan sa pagpapadala ng aids sa atin. Ngayon since nabastos niyo sila, China na lang ang natira, may kapalit pa.

Mr. President, hindi naman to ang inaasahan naming pagbabago eh. Dami na pong namatay sa tokhang, pati sa kalamidad din? Kung hindi lang sana matigas ang ulo niyo yung 26 na namatay sa typhoon Urduja hindi sana nangyari yun kung may maigi lang kayong plano at hindi puro droga lang.

Dasal ko ngayong pasko na sana magresign na lang kayo, mukhang hindi niyo naman kayang gampanan ang pagiging Presidente. Sana nag head na lang kayo ng PDEA, problema sa droga lang naman ang alam niyo eh. Malay niyo mahuli niyo yung nagpuslit ng 6.4 bilyon na shabu. Baka nasa tabi tabi niyo lang.

Naaawa sa Bayan ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *