Ang Palpak na Statement ni Bato

Dear General Bato,

Balita ko nagcomedy show na naman kayo kanina sa incident sa Resorts World. Dumating kayo na naka full battle gear.

OA sa costume ha. Parang lalaban sa terrorist. Samantala ang head ng NCRPO chill lang ang costume.

Nagsimula ang kapalpakan nyo ng nagbigay kayo ng statement without investigating first.

UNA

At around 6AM, everything is under control, yun pala at large pa ang gunmen. At found dead palang sya at around 7AM.

PANGALAWA

Sabi nyo pa ang bumaril sa gunman ay pulis, yun pala security ng Resorts World. Ang sinungaling nyo po.

PANGATLO

Sabi nyo Resorts World had been cleared, only to find out na may 34 na namatay pala sa ibang floor. Yung totoo?  San ka kumukuha ng intel?  Puro palpak eh.

Pero eto ang pinaka nakakainis sa lahat. Yung sinabi nyo na “Binuhusan ng gunman ang sarili niya ng gas and covered himself with a blanket and ignited it. Bago yun, binaril niya muna sarili niya”

Huhuhuhu paano nangyari yun?  Kung binaril niya muna sarili niya sa ulo, paano niya masisindihan ang sarili niya? Kung halimbawa sinindihan niya muna sarili niya paano nya mababaril sarili niya sa ulo?  😂😂😂

Ginagawa nyo na po kaming tanga. Puwede po ba bago kayo magpabibo, mag imbestiga muna kayo?  Hindi kayo nakakatulong sa mga namatayan.

Wala akong itulak kabigin sa inyong tatlo ni Mocha at ni Andanar. Puro kayo incompetent!

Sawa na sa Katangahan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *