Ang Palpak na Script ni Wiggurre

Dear Secretary Aguirre,

Hindi ko po alam kung matatawa ako o maaawa sa katangahan na script na ginawa niyo.

As expected syempre kasama ang mga LP sa mga panibagong listahan. Dinamay mo si Drilon, Pangilinan at sinabay mo pa si DeLima. Talagang laging kasama si Delima, para todo pabilib kayo kay Poong Duterte. Ang sabi niyo si Napoles ang magfafile?  Paano nangyari yun? E di ba nga si Napoles ang prime suspect sa Pork Barrel Scam?  Sige nga paki explain.

Eto pa ang isang katangahan sabi mo, sabi ni Napoles,  na involve si Delima sa pork barrel from 2007-2009.

Yung totoo? Niloloko mo ba kami?  2010 palang naging DOJ Chief si Delima di ba?  Paano nangyari yun?

Gagawa ka lang naman ng kasinungalingan, hindi pa pulido! Pahiya ka na naman. Nakakalagas siguro ng buhok ang pagsisinungaling no?  😂😂😂

Meron pa bang naniniwala sa yo?  Palagay sa mga taong nag iisip wala na, pero sa mga troll na bayaran I’m sure meron pa. Naturingang abogado, pero naku….

Naiirita sa Panot na Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *