Ang Pagsisinungaling At Pambabastos ng BBM Camp

Dear BBM and Socmed Strategist,

Kung noong kampanya nauso ang fake news at maramimg naniwala pwes iba na ngayon. May blog pa at hashtag pa kayong nalalaman, mali naman ang nireport niyo.

#Cheating Leni talaga? Paano nandaya eh sya ngang hinalal ng taong bayan di ba?

May blog pa kayo misleading naman. Malamang hindi magwiwithdraw kasi wala naman syang pending motion. Kayo kaya ang meron.

Di ba kinagat ang hamon niyo? So bakit manifestation lang ang ginawa? Bakit hindi motion?

So sino ngayon ang sinungaling? Pumirma kayo ng motion ng magkaalamanan na. Daming satsat, puro presscon tapos pag kinagat ang hamon, ngangey.

Tapos ang kabastusan ng mga supporters mo, kasama si Topaksio hindi mo mapigilan? Kadiri ka. Tama ba yang double meaning na sigaw na yan “Leni Ang Fake Fake mo” ? And tingnan mo kung gaano kabastos ang actuation ni Topaksio kasama ang mga supporters mo.

May mga babae pa naman pero ang babastos niyo. Kadiri kayo, mga balahura.

Matalino na ang Pinoy ngayon, hindi niyo na madadala sa PR at  hashtag. Ang talo, talo.  Magmove on din pag may time.

Tama na ang ilusyon. Tama na ang pagsisinungaling. Tama na ang pambabalahura.

Yamot sa Balahura,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *