Dear KaPAB,
Mula sa simula, alam naman natin na pulitika ang dahilan kung bakit gustong ipashutdown ni Duterte ang ABS-CBN.
Syempre bukod sa mga DDS Troll na walang sawang mag labas ng fake news at propaganda, nasa frontline din ang mga CHUWARIWARIWAP.
Alan Peter “Kaldero” Cayetano
Hanggang ngayon pilit na dinedelayed ang ang pagdinig ng approval ng franchise ng ABS-CBN sa lower house.

Pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan. Congress can still pass the ABS-CBN franchise without the certificate of urgency from Duterte. Pero siyempre ayaw talagang pagalawin sa lower house.

Ngayon election coverage na naman. Isa lang naman ang tanong eh, yung kakulangan ba sa coverage sa election ay sapat na dahilan para ipasara ang buong network? Kung may pagkukulang dapat ba quo warranto agad-agad? Dapat ba tanggalan ng kabuhayan ang 11,000 na pamilya?
SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA
After ng quo warranto ni Calida natin kung paano trumabaho ang DDS Troll farm. Ang mga DDS bloggers, nasa socmed araw-araw nagpapakalat ng fake news para mag mind condition at magalit ang mga tao. Mocha, Robin, Thinking Pinoy lahat sila walang sawang siniraan ang ABS-CBN. Pero sinagot Ito ng Kapamilya Network lahat.


Lahat ng isyu na binato ay hindi sapat na dahilan para iquo warranto ang franchise ng isang company.
Lumaban ng tama ang Kapamilya. Kasama ang kanilang mga stars at mga empleyado pinagtanggol nila ang ABS-CBN gamit ang katotohanan, laban sa mga trolls.

Pero hindi makuntento ang mga alipores ni Duterte. Ngayong araw, nagfile na naman ng gag order si Calida sa Supreme Court.

“Office of the Solicitor General asks Supreme Court to issue gag order prohibiting ‘parties and persons acting on their behalf’ from releasing any statements discussing the merits of the ABS-CBN franchise case.”
Gustong pigilan ni Calida ang ABS-CBN na ipagtatanggol ang kanilang sarili. Bakit kaya? Takot sa katotohanan?
“OSG says after ABS-CBN issued a statement, the network ‘engaged in propaganda'”
Ang kapal no? In the first place sino ba ang nagsimula ng propaganda, di ba ang mga DDS trolls and bloggers? Ito ang video ang nirereklamo ni Calida.
Himayin natin ang mga isyu na nakapaloob sa quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN. pic.twitter.com/x0E1Xgmdhz
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) February 14, 2020
Ang gusto yata ni Calida, na habang dinudurog ng mga trolls ang ABS-CBN ay hindi na lang iimik ang Kapamilya network.

Habang nasa panganib ang kanilang kabuhayan, gusto yata ni Calida na hindi na lang magsalita ang mga empleyado at mga stars nila.
Martial Law na ba? Ok lang pag si Robin Padilla, Mocha, Jay Sonza et. al, ang magsalita, pero pag ang mga empleyado na nanganganib ang kinabukasan ng pamilya, bawal?
So hahayaan na lang ng mga empleyado ng ABS-CBN na tapak-tapakan sila ng mga DDS, ganun?
Hindi ganun yun, demokrasya tayo dito sa Pilipinas. Hindi na muling palulupig ang mga Pilipino.
I Stand With ABS-CBN,
PAB
