Ang Pagbaluktot ng Hustisya sa Panahon Ni Duterte

Dear KaPAB,

Kahapon nakita natin kung paano binaluktot ang hustisya. Ang basis nang pag release ng warrant of arrest kasi hindi maproduce ang application.

Parang ang hirap lang isipin, paano siya nabigyan ng amnesty kung hindi siya nag apply? At klaro naman na may mga binigay na affidavit ang tumanggap ng application na magpapatunay na tinanggap ng AFP dati ang application, pero binalewala ng husgado.

 

Gobyerno ang nakawala ng application pero bakit ang mamamayan ang magsasuffer? Yung judge na nag grant ng warrant of arrest ay siya din ang judge na nagdismiss ng kasi dati.

So paano na ang principle of double jeopardy at Immutability of final judgement? Wala na ba yun sa batas natin?

Actually hindi ang pagkawala ng application ang kasalanan ni Trillanes. Para sa administration ni Duterte eto ang kasalanan niya.

1. Kinukulit si Duterte sa milyones at BPI account niya at ang bank waiver?

2. Sinasangkot ang anak ni Duterte sa 6.4 bilyon na shabu at hindi pagpapakita ng tatoo ni Polong.

3. Sinangkot sa Frigate deal ang paborito ni Duterte na si Bong Go at binisto ang pakikialam ni Bong Go sa pagpili ng supplier.

4. Binisto ang milyones na kontrata ni Calida na nakuha from the government.

5. Nagsasalita at lumalaban para sa mga Pilipino sa usaping corruption at judicial killings.

Hindi marunong tumanggap ng kritisismo ang administrasyon ni Duterte. Ayaw sa corruption pero ang mga kaibigan corrupt. Galit sa droga, pero hindi pa din nahuhuli si Peter Lim, Independent foreign policy daw, pero halos lumuhod sa China. Mahal daw ang mahihirap pero pinapatay naman sila sa taas ng bilihin.

Kasalanan ba kung punahin ang kakulangan ng gobyerno ni Duterte? Dapat bang ikulong ang mga taong nagbubunyag ng corruption? Kung nangyari sa isang senador ang lagyan ng imbentong krimen, paano na lang kaya ang mga ordinaryong tao?

Bukas, makalawa baka tayo na ang susunod. Tatahimik ka pa rin ba?

 

Tuloy Ang Laban,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *