Ang Pagbabalik Ng Pork Barrel

Dear KaPAB,

Tingnan mo nga naman itong ating mambabatas, garapalan talaga ang pagkahilig sa “baboy”. Binisto ito ni Senator Panfilo Lacson.

 

160 million bawat isa! Ilan ang Representative sa ating bansa? Imultiply mo doon, ganoon kalaking pera ang pinag-uusapan dito.

Under the leadership of GMA nangyayari ito kasama ang House Majority Leader na si Fredenil Castro.

Kahit pa nadeclare na itong unconstitutional ng Supreme Court, pakapalan lang talaga ng mukha.

 

Ang masakit dito habang sila nag aagawan sa pork barrel, babawasan naman ang pondo para sa edukasyon.

 

“The agency’s budget was cut by ₱51 billion, from over ₱580 billion in 2018 to ₱528 billion in 2019.

With this lower budget, the DepEd will hire fewer new teachers, construct a limited number of classrooms, and reduce the number of textbooks for printing.”

Eto ang masakit na balita para sa mga Pilipino. Mas mahalaga ang bulsa kaysa edukasyon ng kabataan. Eto ang pagbabagong binoto ng 16 million.

Pwes, magtitiis ang mga bata na magklase sa ilalim ng puno dahil kulang ang classroom.

Maghihiraman na naman sila ng libro kasi kulang.

Hay naku Pilipinas, kailan ka ba matuto?

Yamot sa Corrupt,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *