Ang Pagbabalik ng Ekonomista

Dear Secretary Mar Roxas,

Nanood ako noong isang araw sa senatoriables forum ng CNN. After the election, ngayon ko lang po kayong nakita uli.

 

Habang tinatawag ka sa stage, lahat nagflashback sa akin during the 2016 election. It is an honor for me defending you online and offline then. Mas lalo na ngayon.

 

 

Last election, you were the most vilified. Natalo ka hindi dahil masama kang tao. Natalo ka kasi nagtagumpay ang mga nagpapakalat ng fake news sa yo.

 

 

Ginamit nila ang trahedyang Yolanda. Pinagbintangan ka na ninakaw mo ang pera, pero ngayon lumabas din ang totoo.

 

 

All along nasa gobyerno ang pera at ngayon gagamitin sa Marawi. Nilait ka at pinagtawanan pero alam ng lahat na ikaw ang pinaka deserving manalo.

 

 

Ang daming batas mong ginawa na pinapakinabangan na ngayon ng mamamayan.

 

 

 

Nang matalo ka, nanlumo ako. At pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat na labanan ang fake news at kasinungalingan.

 

Ngayong tatakbo ka uli, masaya ako habang pinapanood ang video mo. Alam kong hindi mo matitiis ang bayan. Lugmok na ang bansa. Hindi maganda ang lagay ng ekonomiya.

 

 

Muli, pinakita mo ang pagmamahal mo sa bayan. Isang ekonomista ang makakatulong sa pag-ahon ng bayan.

Hindi na mauulit ang pagkakamali ng maraming Pilipino. Ngayon, handa na kaming labanan ang kasinungalingan at fake news. Handa na kaming muling dalhin ka sa Senado.

Maraming Salamat sa pagtanggap sa hamon.

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *