SENO OUT, BBM IN

Dear Ex Secretary Sueno of DILG,

Ang pagtanggal sa inyo ay part lang po yan ng script ang masakit lang may lumabas pang mga issue na kurakot kayo. Hindi natin alam kung totoo yan o hindi. Kung totoo man sya marapat lang na kayo ay tanggalin sa pwesto. Kung hindi naman totoo nakakaawa ang pamilya nyo po kasi po alam ko po sila ang unang unang masasaktan. Kung ipapalit sa inyo si BBM sana pinalit ng maayos at hindi para masira pa ang dignidad nyo at pamilya nyo.

If I remember it right yung unang rally pinakita nyo po ang suporta niyo kay Duterte sa pamamagitan ng paggawa ng memo sa mga brgy. Officials na sumama sa rally, and for sure nagamit nun ang pera ng bayan. Sinunod nyo ang utos kahit mali tapos ngayon tinanggal kayo sa pwesto para ipalit si BBM.

Matanong ko lang po, kung seryoso si Duterte labanan ang corruption, bakit kayo lang po ang tinanggal? Si Cesar Montano mas malala pa ang ginawa daw, pero hindi sinibak sa pwesto. Si Wigiurre may bribe scandal pero nandyan pa din.

Palagay ko mahina kapit niya. Ginamit kayo, ngayon tinapon sa tabi.

Anong meron sila na wala ka? Bakit ikaw ang napatalsik? Oo nga pala, si BBM pala ang ipapalit sa inyo. Sabi nila nagrerehab pa daw. Ang sakit naman kung totoo na ang ipapalit ay isang addict. Double whammy yun, sinira ang pangalan mo tapos ang ipapalit mas malala pa sa mga kasong inakusa sa yo.

#NaDuterte din po kayo. Naloko. Napasok sa bulsa. Nakikiramay po si PAB.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *