Ang “Mass Testing” Na Palusot Ni Harry Roque

Dear KaPAB,

Napikon kahapon si Harry Roque dahil sa nireport ng CNN na sinabi niya about mass testing.

Kasi daw mali ang nireport ng CNN. Ayun binara niya ang kawawang reporter.

Baguhin daw ang report? Eh mismo galing sa kanyang bibig ang report eh. Eto ang transcript from PCOO website mismo.

Kawawa naman si Triciah Terada from CNN kung paano niya binastos on air. Kahit si Joseph Morong from GMA narinig niya na galing mismo sa bibig ni Harry Roque ang statement na ito. “WALA PA PONG GANYANG PROGRAMA AT INIIWAN NATIN SA PRIBADONG SECTOR”

He tried  to defend himself by playing the “misunderstood and taken out of context” card and pass the blame to Triciah. Kesyo wala daw  “mass testing” kasi wala daw bansa na tinitest ang lahat ng tao. Sino ba ang nagsabi na yan ang meaning ng mass testing? DOH mismo ang gumamit ng term na yan.

“Mass testing” does not mean swabbing all 110M Filipinos.

Sino ba ang dapat i-test?
✅symptomatic individuals
✅returning OFWs
✅ALL healthcare workers and frontliners
✅individuals with history of exposure to covid-19

Nagawa ba ito?

Lulusot pa, palpak naman. Bakit pag “mass circumcision” ba lahat magpapatuli kahit tuli na? May repeater ganun?

Patawa talaga to si Harry Roque. Kuda niya sisi sa iba? Buwiset!

Hay naku.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

 

Facebook Comments