Ang Maraming “Katotohanan” Ni Bikoy

Dear KaPAB,

Nagkaroon ng investigative report ang Rappler about kay Bikoy. Tinalakay nila ang iba’t-ibang “katotohanan” ayun kay Bikoy.

Noon palang December of 2016, nakakulong ito si Bikoy.

 

 

Sabi niya technical man daw siya ng isang drug syndicate. Minsan delivery man. Sa panahong iyon diniin niya si PNoy, Mar Roxas, Ochoa at Senator Delima.

 

 

Noong panahong iyun gusto maging state witness si Bikoy.

 

 

Pero paglabas ni Bikoy ngayong taon na ito, ibang role na naman ang sinabi niya sa sindikato. Nasa finance na naman siya daw. At sa salaysay niya diniin niya na ang pamilya ni Duterte.

 

 

After ng ganitong statement, biglang kumambyo ulet si Bikoy.

 

 

Ngayon naman ang buong oposisyon ang tinuturo niya. Kesyo nagmeeting daw with Senator Trillanes sa date na wala ang senador dito sa Pilipinas. Kesyo tumawag daw via Photon Mail. Luh, di naman puwede tumawag sa photon mail.

Ang daming discrepancies, di mo na alam kung ano ang totoo.

Magaling ang Rappler. Nahimay nila talaga.

If you want to read na detalyado talaga, basahin niyo from here.

https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/237169-biggest-flip-flops-bikoy-government-star-witness

Eto ang witness ng OSG at CIDG.

Natatawa Sa Pabago-bagong Statement,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *