Ang Maling Ginagawa ng mga Matatanda, Nagiging Tama sa Mata ng mga Bata

Dear KaPAB,

Marami nang lumabas na opinion about sa photo shoot ng apo ni President Duterte. Resibo.

Madaming nagalit, madaming nagbigay ng opinyon. Resibo.

The girl is 17 years old, maaaring she is old enough to discern, pero kung may dapat sisihin man dito iyong mga matatanda na hindi man lang ginabayan ang bata nang tama.

Alam natin na may nilabag na batas ang pangyayari. Resibo.

Pero kung babalikan natin ang mga pangyayari hindi ito ang unang beses na nagamit ang presidential seal sa hindi tamang paraan. In fact the first time nabalahura pa ang seal na to. Resibo.

Kung ganitong pangyayari hindi umimik ang Malacañang, aasahan pa ba natin na malalaman nila ang kahulugan ng “DELIKADESA”?

Di ba nga may kasabihan ang maling ginagawa ng mga matatanda, nagiging tama sa paningin ng mga bata.

Ayokong sumbatan si Isabelle Duterte, mas gusto kong pingutin ang tenga ng mga matatandang balahura na nagiging masamang halimbawa.

Gusto kong pitikin ang ilong ng mga taong nakapaligid sa kanya na hindi man lang yata na explain sa bata kung ano ang magiging epekto nang photo shoot sa kanya at sa bansa.

Tamang gabay ang kailangan ng bata.

Yamot sa Mga Masamang Halimbawa na Palaka,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *