Ang Mahal ng Pamasahe sa TRAIN ni Digong

Dear KaPAB,

Ang daming trolls na umatake sa akin basta nagpopost ako sa pabagsak ng ekonomiya ng bansa. Kesyo hindi daw ako ekonomista at walang alam sa globalization.

Sa akin naman, hindi mo kailangan mag major ng economics para maramdaman mo ang sakit ng TRAIN. Simplehan lang natin ang paliwanag.

NEGOSYANTE

May excise tax ang fuel at sugar sa TRAIN. Karagdagang buwis. Alam naman natin, na ang bawat product ay nakasalalay sa transportation. So kung mataas ang transportation cost syempre ipapasa yan ng mga negosyante sa mga consumer kaya tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Sabi nila mataas naman daw talaga ang oil sa world market. Tama, pero mas lalo tayong nahirapan dahil sa TRAIN.

MIDDLE CLASS

Tumaas ang sweldo ng may mga trabaho kasi bumaba ang withholding tax na binabayaran buwan-buwan. Pero sa taas ng bilihin ngayon, parang hindi rin nararamdaman ang nadagdag sa budget ng mga Nanay. Pag pupunta ka ng palengke ang P1000 na budget ay halos hindi magkasya para sa dalawang araw para sa pamilyang may dalawang anak. Maaring natutuwa kayo pagtanggap niyo sa monthly salary niyo, pero kung iisipin niyo lugi pa kayo sa tinaas ng mga bilihin.

MINIMUM WAGE EARNERS

Sa kanila walang nabago, hindi tumaas sweldo nila kasi matagal na naman silang hindi nagbabayad sa witholding tax. Pero ang masakit, sabay nilang papasanin ang pagtaas ng bilihin. Walang assistance sa kanila. Kailangan maghigpit ng sinturon, kasi dahil sa TRAIN baka kulangin na ang kinikita nila.

NASA LAYLAYAN

Ang tinutukoy ko dito, yung si Mang Tasyo na nagbebenta ng buko juice sa kariton, yung mga takatak boys na nagpapainit na nagbebenta ng sigarilyo sa kahabaan ng EDSA, si Aling Toyang na nagbebenta ng kakanin sa overpass at marami pang iba.

Eto walang sweldong natatanggap, buwan-buwan. Swerte na kung kumita ng 200 sa isang araw. Masakit na kahit sila pinapasan ang hagupit ng TRAIN. Binigyan sila ng assistance ng gobyerno, sa halagang P200 every month. Saan aabot ang 200 sa isang pamilya na may 2 anak or more? Eto ba ang malasakit?

MGA ALIPORES NI DUTERTE

Habang ang iba nagpapakasasa ng milyong milyon na pondo, hindi nila ramdam ang TRAIN. Kurakot dito, kurakot doon after mahuli, magreresign, hindi man lang kinasuhan.

Si Juan kuba na para magbayad ng buwis, pero sila patuloy na ninanakaw ang buwis.

Sa lahat ng nangyayaring ito, kailangan mo pa bang maging ekonomista para ipaliwanag ang hagupit ng TRAIN?

Hindi ko kailangan malaman ang globalization para hindi ko makita ang hirap na tinatamasa ng bawat Pilipino sa TRAIN.

Kung hanggang ngayon pinagtatanggol mo pa din ito kahit hirap na ang mga tao, you need to check your heart. Dapat ang loyalty mo sa bayan at hindi sa iisang tao lang.

Sinasagasan na ang bayan mo ng TRAIN. Lugmok na sila sa hirap, pero pinagtatanggol mo pa din. Anong klaseng Pilipino ka? Hoy, gising!

Mulat na Pilipino,

PAB

 

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *