Ang Loyalty ni President Duterte ay sa China

Dear President Duterte,

Ilang mangingisda pa ba ang dapat pagnakawan ng mga coastguard ng China bago niyo sila pahalagahan?

Ang liit na ng tingin ng China sa kanila pero hindi mo man lang sila pinagtanggol.

Nababasa mo ba itong report na to? Bakit “out of goodwill” ng China? Di ba sa atin yan? Di ba napanalunan natin yan sa The Hague? Bakit po hinahayaan niyong mamalimos ang mga kababayan natin sa sarili nating teritoryo?

Hindi ba kayo naaawa sa kanila? Para mong binenta sa China ang mga taong nagtiwala sa yo. Grabe kayo.

Galit sa mga Traydor,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *