Ang Layo Naman ng Palengke ni Governor Imee Marcos

Dear Governor Imee Marcos,

Wala kayong palengke sa Ilocos Norte? Layo ng inabot niyo sa pamamalengke ha.

 

Talagang umabot pa kayo ng Quiapo para mamalengke? Tapos may kasamang camera? Huwaw! Style niyo po bulok.

Bago po kayo mangampanya, asikasuhin niyo muna yung mga pekeng supporting documents sa bidding ng probinsiya niyo.

Nangangampanya kayo agad, tapos yung mga milyones na pondo hindi niyo maexplain kung saan niyo pinag- gagamit? Huy tubuan ng konting hiya! Yung ama mo pinagnakawan na nga ng bilyones ang bayan, pati ba naman ikaw? Huwag ganun.

Yung mga nagtitinda diyan sa palengke gumigising yan nang maaga para lang may maipakain sa pamilya nila. Pinapasan niya ang dagdag buwis ng TRAIN,  tapos ikaw milyones na pondo may anomaliya sabi ng COA? Aba naman, sobra na kayo.

Bago magpakapal muks sa pangangampanya, harapin mo muna ang Kongreso at COA!

Pati tobacco tax shares, may anomaliya! Lahat na lang talaga!

 

Yamot sa Babaeng Makapal ang Mukha,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *