Ang Labo ni Tatay Digong

Dear Tatay Digong,

Ang labo po ng mga statement niyo tungkol sa nangyayari sa Marawi.

Sabi ni Solicitor General Calida May 18 pa lang alam niyo na na lulusubin ng mga Maute ang Marawi. Pero umalis pa din kayo papuntang Russia kasama ng mga pangunahing opisyal ng AFP.

Pagdating niyo 3 days lang matatapos na. Sobra na po sa one month ang bakbakan. Tapos tinulungan tayo ng USA,  sabi niyo hindi nyo alam. Luh,  sino ang nagpapalakad ng bansa natin?

Nahuli yung Tatay ng Maute, may sinabi sya na kasama niyo daw sya sa paglinis.

Tapos sabi niyo kahapon may mga pinsan kayo na member ng Maute. So matagal niyo nang alam at may pinsan kayo sa kanila, bakit hindi nyo sinabi sa AFP ang lahat? Sana nakapaghanda at less casualty sa hanay ng gobyerno.

Labo niyo naman, Tatay Digong eh.

Yamot sa Bomalabs,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *