Ang Kwento Sa Likod Ng Metro Manila Subway

Dear KaPAB,

Tuwang tuwa ang ibang mga DDS sa project ng Metro Manila Subway.

 

Oo nga naman, kasi maiibsan ang traffic ng Metro Manila. Pero alam niyo ba ang kuwento sa project na ito?

1. Ang depot nito ay itatayo sa Valenzuela City. Nagsimula sila sa 27 hectares above ground.

 

 

Buong brgy. ang madidisplace dito. Karamihan ay mga legitimate dwellers talaga ng Valenzuela City.

2. Pero may ginawang report ang JICA, yung “Information Collection Survey for The Mega Manila Subway Project in the Philippines” dated September 2015.

Ang sabi sa report 16 hectares lang daw ang gagamitin. Chapter 6.5.6 states:

 

Kung 16 hectares lang pala ang needed bakit naging 27 hectares pagdating sa atin?

3. Yung 27 hectares na gagamitin ay kasama ang 2.5 kilometers of high value commercial property along Mindanao Ave. Imagine the length of Buendia Ave. from Edsa to Ayala Avenue. Or imagine the combined frontage of SM North Edsa to the whole front of Robinson Galleria  along EDSA all  the way to EDSA Shang. Ganun kahaba ang maapektuhan na property ng mga tao.

Magtataka ka, yung MRT 3, ang depot underground, walang nasayang na commercial space along EDSA. Anong meron sa Valenzuela City at hinayaan ni Mayor Rex na do itayo sa lugar niya ang depot na magdidisplace sa libo-libong tao?

4. Ang pinag-uusapan dito mga legitimate owners ha, hindi illegal settlers. Booming ang business area na to. Kung bibilhin ito ng gobyerno, mas mapapamahal tayo, at sayang ang pera ng bayan.

 

 

Eto ay iilan lamang sa mga business establishments na maapektuhan. Walking distance across Quirino Highway are even more established businesses like Wilcon Depot, Starbucks, Jollibee, McDonald’s etc.

Minsan mapapaisip ka eh. Bakit doon itatayo sa Valenzuela kung saan buong barangay ang matatamaan tapos mas mapapamahal pa ang gobyerno.

May alternative naman sana sa Caloocan City. Area near General Luis St. in Kaybiga Caloocan City.

The area is mostly vacant lot. Puwede pang gamitin ang semi-completed Mindanao Avenue. Malapit pa ito sa General Luis Subway Station which may reduce the cost of entering and distributing lines.

So bakit sa Valenzuela kung saan libo-libong tao ang apektado at mapapamahal pa ang gobyerno?Anong meron sa lugar ni Mayor Gatchalian? Ano ang napagkasunduan nila Tugade at ni Mayor? Ano ang gagawin nila sa mga tao at mga negosyo na madidisplace?

Walang masama sa pag-unlad, pero wag naman at the expense ng libo-libong tao at mapapagastos pa ng sobra ang taong bayan.

Yamot Sa Mga Walang Awa,

PAB

P.S. May part two pa ang story natin.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *