Insensitive Statement of Liza Diño-Seguerra

Dear Ms. Liza Diño-Seguerra,

I need to write you dahil sa post mo na to. Resibo.

Habang ang mga tao tinitiis ang traffic, eto pa po talaga ang sasabihin niyo? Sino po ba ang dapat naming sisihin? Ang gobyerno ng Mt. Timbuktu? Noong kasagsagan ng kampanya, eto ang sinabi ng sinusuportahan mo na si Duterte. Resibo.

Tapos, ganun din pala ang mangyayari? Mas malala pang traffic. Drama lang pala yun.

At saka po yung sinabi niyong hindi sinabi ng gobyerno na magbakasyon? Mali po kayo doon. Kasi po ito ang sinabi. Resibo.

Ayan po oh. Wag mong ialis sa  taxpayers ang magreklamo kung nahihirapan sila, karapatan nila yan.

Ang point lang, maging extra sensitive ka sa nararamdaman ng iba. After all, tax payers ang nagpapasweldo sa yo, sa asawa mo at sa Tatay mo at sa 16 niyang bodyguard. Resibo.

Subukan mong matraffic ng apat na oras sa daan, baka sakali na lang maramdaman mo ang naramdaman nila at hindi ka na lang basta-basta magbibitaw ng mga salita na nakakasakit sa mga commuters at motorista.

Nagtataray na wala sa lugar, tse!

Yamot sa Insensitive na Palaka,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *