Ang Kayabangan ni Alvarez

Dear Speaker Alvarez,

Gusto ko lang pong malaman niyo na ang position na meron kayo ngayon ay hindi binigay sa inyo para gawin niyong panakot pag hindi nasusunod ang kapritso niyo.

Ang mga salitang dapat niyo sigurong malaman ay separation of powers and check and balances. Ang Judiciary ay co-equal branch po yan ng Executive at Legislative. Di ko na naman kailangan sabihin to eh kasi alam kong alam niyo na. Ang di ko lang maintindihan ay lagi kayong nananakot? Una, gusto niyong ipadisolve ang CA, ngayon naman si SC Sereno na naman napagdidiskitahan niyo.

Wala kayong respeto sa Supreme Court. Puro pananakot ang ginagawa niyo, take for example, yung botohan sa death penalty, tinanggalan niyo ng committee chairmanship yung mga against death penalty na congressmen. That’s a blackmail!

I still remember when you suggested ipakita ang fake sex scandal ni Delima sa hearing sa Congress. Yuck kadiri po kayo.

At sino ba naman ang makakalimot dito? Yung girlfriend niyo kasama sa official trip to Laos. Pera ng bayan ang ginastos sa private jet na yan? Kawawa naman si Juan.

So you see, yung mga ginagawa niyo po ay hindi magandang halimbawa.

Ikaw lang yata ang kaisa isang Speaker of the house ng Pilipinas na laging pinapantakot ang position niya.

Mr. Speaker,  wag mayabang, kasi po ang Karma ngayon, digital na, baka abutan ka.

Hindi kayang takutin,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *