Ang Katotohanan sa Yolanda Funds

Dear KaPAB,

Noong 2016, paulit ulit na ginamit ang Yolanda ng mga trolls para idiscredit ang LP at lalo na si Mar Roxas.

Yung nangyari po sa atin noon ay super typhoon, bagama’t nagbigay ng babala ang administrasyon ni PNoy ay marami pa ding buhay na nawala.

Pumili ako sa mga fake news na pinapakalat about Yolanda.

FAKE NEWS:

Hindi daw totoo na nandoon si Mar Roxas sa Tacloban during Yolanda typhoon.

FACT:

Ang mga larawang ito ang magpapatunay na before, during and after Yolanda, nasa Tacloban pa din si Mar Roxas.

Sa larawang ito nakasalubong niya si Ted Failon habang nililibot niya ang buong Tacloban para eevaluate ang mga damages.

 

Sa larawang ito nagbibigay ng instructions para gumawa ng isang command center.

FAKE NEWS:

Eto ang pinakalat ng mga trolls noon na fake and edited video para siraan si Mar Roxas.

 

 

Yung video ay spliced. Hindi pinakita ang buong usapan. Sinadyang putulin ang video para siraan si Mar Roxas.

FACT:

 

Eto yung totoong usapan, eto ang buong kwento, pinapaliwanag ni Mar, kung bakit kailangan magkaroon ng resolution ang LGU para maka-take over ang national. Pero ang ginawa ng mga trolls ay pinutol nila ang video para mag imbento ng kwento.

 

FAKE NEWS:

Ginastos ni Mar Roxas ang pondo sa Kampanya. Walang bukambibig ang mga trolls kung hindi “Nasaan ang Yolanda funds?”

FACT:

Eto ang donation sa Yolanda.

 

P73B pledged, but only P17B received. Out of 17 billion, ilang percent lang ang cash diyan, ang iba relief goods. At eto po ang report ng COA.

 

 

As of March 2017, ang presidente nito ay si Duterte na. Nasa gobyerno pa din ang Yolanda funds hindi pa nagagalaw kasi mabusisi ang pag-approve ng projects para maiwasan ang duplication. Klaro na wala sa bulsa ni Mar Roxas gaya nang pinapakalat ng mga trolls. Kung gusto talagang hanapin, dito po napunta ang Yolanda funds.

Ginagamit uli ito ng mga trolls para siraan si Mar Roxas kasi tatakbo bilang senador. Huwag na tayong magpaloko. Tayo na mismo ang lumaban sa fake news at fake photos gaya nito.

 

Minsan na tayong nagpauto sa fake news, ang resulta ay hirap na buhay ng bawat Pilipino. Ibahin natin ang kwento ngayong 2019 na halalan.

Pumili ng tamang kandidato para sa kinabukasan mo.

 

Kalaban ng Fake News,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *