Ang Katotohanan sa “Decriminalization” Issue

A few days ago pinagtulungan ng mga propagandista at mga trolls ni Duterte si Vice President Leni Robredo. Eto ay dahil sa salitang “decriminalization” sa headline ng Inquirer. Kung babasahin mo ang article, wala naman talagang binanggit na decriminalization. Likas sa mga trolls na tamad magbasa kasi most of them are free data. Pero mas nakakalungkot na yung mga propagandista na may pambili ng data at mga matatalino kuno na mas piniling hindi basahin ang buong article. 

Eto po ang clickbait headline:

“Why not decriminalize drug use? VP urges government to study Portugal move “

When this news posted in Twitter, tinawag na idiot ni Teddyboy Locsin si VP Leni. Ginawan agad ng mga meme na sobrang nakakainsulto si VP. Pero ni isang salita hindi gumanti si VP. Kasi sabi niya hindi naman niya talaga yun sinabi. Pero patuloy pa rin syang tinira, lahat ng paid political marketer ni Duterte, ay walang habas na tinitira si VP Leni minu minuto.

Kahit nilabas na ang transcript ng interview, patuloy pa din ang pambabatikos at pambabastos. Paulit ulit na pag post ng meme sa lahat ng Pro Duterte pages. Ang prinsipyo yata nila na kung paulit ulit nilang sabihin ang isang kasinungalingan, ay magiging totoo.

Wag nating hayaan manaig ang kasinungalingan. Wag nating hayaan magkalat ng fake news ang mga bayarang propagandista.

And to the Vice President of the Philippines, LENI ROBREDO saludo po ako na mas pinili nyong hindi patulan ang mga mapanirang propagandista kahit nasa panig nyo ng katotohanan.

To end this once and for all, here is the video of the forum at UPLB. Pinadala po ito sa PAB ng isang follower. Kayo na po ang humusga kung sino ang mga nagsinungaling at mga nagkakalat ng fake news.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *