Ang Katotohanan Sa Buhay Ni Senator Bam Aquino

Dear KaPAB,

Siguro kung may senator na sobrang siraan ng grupo nila Mocha Uson, walang iba kung hindi si Senator Bam Aquino.

Tinawag nilang credit grabber si Senator Bam dahil daw sa Free Tuition Law. Nasa history na ng Senado na si Senator Bam ang principal author ng nasabing batas.

 

 

Nang naisabatas ito, kabaliktaran ng sinasabi ni Mocha Uson kasama ng kanyang mga trolls, na sinolo ni Senator Bam ang kredito pinasalamatan ni Senator Bam ang pangulo kasama ang mga grupo at kasamahan niya sa Senado.

 

 

Pero sa kabila ng lahat ng ito, paulit-ulit pa din ang paninira sa kanya ng grupo ng mga progandista ng administrasyong ito. Ang mga paninira ay tiniis patuloy na nagtatrabaho para sa bayan. Sa kasulukuyan meron na siyang 35 na bills na naisabatas.

 

 

Sabi ng mga trolls, ginagaya daw ni Senator Bam ang itsura ng uncle niya na si Ninoy Aquino. Pero ito ang totoo.

 

 

Kaya siya may suot na salamin kasi bata pa siya, may diperensiya na talaga ang kanyang paningin. At nang araw na pinanganak si Senator Bam, nakatatak yun sa puso ni Ninoy.

 

 

Naalala niyo ang picture na kumalat na kasama niya si Bong Go tapos ginawan ng intriga ng mga trolls. Ang picture na yun ay matagal na. Ilang beses nang pabalik-balik si Bam Aquino sa Davao kasi galing doon ang pamilya niya sa ina.

 

 

Achiever si Senator Bam. Sa mga hindi nakakaalam eto ang mga parangal niyang nakuha.

 

 

Kung iisipin natin, sa ganitong mga parangal puwede siyang magtrabaho sa mga malalaking kompanya. Sigurado pag-aagawan siya ng mga to.

 

 

Pero mas pinili niyang magtrabaho muna sa Bantay Bata.

Bawat batas na ginagawa ni Senator Bam ang taong-bayan ang iniisip niya. Mga kabataan, negosyante at maging karaniwang tao ang nasa puso niya. Ngayon may bago na naman siyang panukala, para sa mga OFW.

 

Na pag-isipan niya ang bill na to habang may local consultation siyang ginawa sa Batangas.

Sa mga OFW, ramdam ni Senator Bam ang paghihirap at lungkot na dinadanas niyo sa ibang bansa. Lungkot ng pangungilila at hirap na mapalayo sa pamilya. Alam niyo ba na “once enacted into law, OFW-owned enterprises will be given benefits and incentives once they decide to invest their hard-earned money in the Philippines, including exemption from payment of income tax for five years following registration.

Other benefits for an OFW-owned business enterprise include 50-percent reduction on real property taxes and tax and duty free importation of raw materials, capital equipment, machineries and spare parts exclusively used in the operation.”

Ganun klaseng pagpapahalaga ang binibigay ni Senator Bam sa lahat. Anumang paninira ang gawin ng mga trolls, hindi magbabago ang katotohanan, na sa bawat bills na ginagawa ni Senator Bam ang taong-bayan ang nasa isip niya. Ang kinabukasan ng bayan ang nasa puso niya.

Dahil kay Senator Bam, lahat sama-sama. Walang maiiwan kahit isa. Kailangan natin ang ganitong tao sa Senado.

 

Isang Supporter ni Bam Aquino,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *